Kung ang isang tao ay nakatutulong upang maihinto ng kanyang kapwa tao ang sobrang pag-inom, at siya’y nagtatagumapy, sinisigurado kong ang taong iyon ay makadarama ng labis na kaligayahan kapag nakita niya ang resulta ng kanyang mga pagsisikap.
Ngunit kahit ang isang tao ay tumutulong sa isang alcoholic na maihinto ang kanyang addiction, hindi maikakaila na ang taong umaabuso sa alcohol ay ang siyang unang dapat na tumulong sa kanyang sarili upang mapaglabanan ang kanyang mga problema. Lahat ng tao ay maaaring tumulong ngunit higit na responsibilidad ng isang alcoholic ang tulungan ang kanyang sarili. Ang isang taong may malalang kondisyon tungkol sa pag-inom ay nangangailangang magkaroon ng mga tamang asal at aspeto kung nais niyang maipagpatuloy ang kanyang mga plano sa paghinto.
Sa ganitong pagkakataon, kung nagnanais ka na makatulong o matulungan ang isang mahal sa buhay o kaibigan na may problema sa labis na pag-inom, ipinapayo na sundin ang mga tips na nasa ibaba upang epektibong mapagtagumpayan ang ganitong klase ng addiction.
1. Huwag kunsintihin ang isang tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng anumang halaga ng pera upang makabili ng kahit anong uri ng nakalalasing na inumin. Ang pera ay maaaring isang hakbang upang siya ay makabili ng alcohol at ito ay hindi mapupunta sa magnadang sitwasyon.
2. Huwag hayaan na maghari sa kanila ang kanilang dating pag-uugali. Itulak sila sa anumang maaaaring gawain na makapaglalayo sa kanila sa kanilang pag-inom.
3. Ipaliwanag na mabuti sa kanila na ikaw ay kanilang kaibigan at hangad mo ang kanilang kabutihan. Kung nais niya na makaalis sa anumang problemang kinasadlakan gaya ng pagkakalulong sa alcohol at iba pang bisyo, importanteng sumunod sila sa anumang batas na iyong inilalatag at gawin ang mga bagay na dapat sundin upang magkaroon ng magandang resulta.
4. Unawain sila sa anumang pagkakataon at sa lahat ng oras. Ang pagtigil nila sa matagal na nakasanayan ay maaaring magdulot sa kanila ng iba’t ibang pakiramdam. Mahalaga na sa bawat sandali ng kanilang pag-iwas ay may mga taong umuunawa sa kanilang mga nararamdaman.
5. Samahan sila sa isang espesiyalista o doctor upang ganap na makita ang kanilang kondisyon. Makatutulong din ito sa iyo upang mabuo ang iyong mga programa sa pagtulong sa isang alcoholic.
6. Laging sabihin sa kanila ang mga positibong maaaring makamit kapag tuluyang naiwan ang bisyo ng labis na pag-inom. Ilatag sa kanilang harapan ang mga advantages na maaaring maisakatuparan upang lalo silang maging inspirado sa pag-iwas sa bisyo.
7. Importante rin na laging sabihin sa kanila ang iyong mga pagmamalasakit at pagmamahal na sila’y matulungan sa kanilang mga problema.
8. Igiit sa kanila ang kahalagahan ng eherhisyo. Dalhin sila sa isang gawain na makagpagdadala sa kanila sa mga pisikal an gawain tulad ng paglalaro ng basketball o volleyball.
9. Maaari mo rin silang ipakilala sa mga bagong kaibigan. Tiyakin na ang mga taong iyong ipakikilala ay may mabuting maidudulot sa kanila at hindi sila maiimpluwensiyahan sa dating mga bisyo.
10. Turuan sila ng mga bagay na makakapagpalimot sa kanilang nakaraan. Ang anumang mga bagong activities ay sapat na dahilan upang makalimutan nila ang mga dating masamang gawi.
Ang isang taong may malalang problema kung alcoholism ang pag-uusapan ay nangangailangan ng sapat at tamang approach upang mapagtagumpayan nila ang kanilang mga laban sa buhay. Laging isipin an ang pagtulong sa kanila, kahit gaano kaliit ay makapagdadala sa kanila sa tamang landas at mabuting pamumuhay na dati nilang ipinagkait sa kanialng mga sarili.