Isa sa pinakamahirap na bahagi ng alcoholism ay ang pagtanggap na ito ay isang sakit sapagkat hindi ito katulad ng ibang sakit sa katawan. Hindi ito mukhang sakit at hindi ito kumikilos na kahalintulad ng mga pangkaraniwang sakit sa loob at labas n gating pangangatawan. At kadalasan, ang mga taong apektado nito ay hindi maamin kahit man lang sa kanilang sarili na mayroon silang sakit at kinakailangan nila ng isang gamutan at mga tulong medikal.
Ang alcoholism ay kinilala ng mga propesyonal na manggagamot at ng mga organisasyon na isang nakamamatay na sakit. May mga pag-aaral na idinaos na tumatalakay sa alcoholism bilang isang detalyadong karamdaman ng mga taong nalululong sa nakalalasing na inumin. Ito ay inilalarawan bilang “karamdaman sa isip na nagiging dahilan ng pagkauhaw sa alak.”
Ano nga ba ang ugat ng ganitong sakit? Ano nga ba ang mental obsession? Nakarinig ka na ng kanta sa radio o telebisyon na kahit hindi na pinatutugtog ay hindi pa rin mawala sa iyong isipan? Iyon ang mental obsession. Ito ang dahilan kung bakit ang habit ng pag-abuso sa alcohol ay mahirap tanggalin. Sapagkat parang awitin na patuloy na tumutugtog sa iyong utak kahit tapos na at hindi na pinatutugtog.
Nasa isip at katawan ang addictin na laging tumutugtog sa iyong isipan. At kung iyong kukunsintihin ito, na iinom ka palagi kapag “naririnig” mo ang kantang ng alak, siguradong sa malaon at madali ay malululong ka dito at mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang pigilan ang kanyang tugtugin. Sa katagalan, kahit na may mga suliraning kaakibat ng pag-inom mo ng alcohol, patuloy mo pa ring tatangkilikin ang kanyang espiritu at mahihirapan ka nang pigilan. Mawawalan ka ng control sa kanya at kayang-kaya niyang sirain ang iyong buhay at personalidad.
Sa ganitong sitwasyon, mahirap na ang tumigil at magigisnan mo na lamang na isa ka nang alcoholic na walang disiplina at control sa iyong pag-inom. At sa katagalan ng iyong bisyo, mahihikayat mo ang iba pang mga sakit tulad ng sakit sa atay at alta-presyon kung hindi mo mapipigil ang iyong paglalasing.
Marapat lamang na hintuan na ang ganitong kalakaran. Kung inihahanay ang alcoholism sa mga sakit kung saan may posibilidad na mamatay ang isang tao, hindi ba dapat at kailangan lamang na gumawa tayo ng tamang paraan upang mapigilan ang ganitong sakuna?
Ipinapayo ng mga espesyalista na magpakonsulta sa doctor upang malaman ang tunay na kalagayan ng isang tao na laging umaabuso ng alak. Maaaring may mga internal na bahagi ng katawan na naapektuhan at mabubulaga na lamang tayo kapag nakaramdam na tayo ng pananakit ng tiyan o dibdib. Ilaan ang buhay sa mga kapaki-pakinabang na gawain at umiwas sa mga sitwasyon kung saan may alak na makakaharap.
Para sa karagdagang kaalaman, bumisita sa Stop Drinking Alcohol para sa mga detalye.