Mahahalagang Bagay na Dapat Gawin

Mga Hakbang na Dapat Gawin

Mga Paraan Kung Paano Maihihinto ang Alcoholism

Ang mga taong nakikipagbuno sa alcoholism at labis na nakakaramdam ng mga simtomas ng sakit na ito sa mahabang panahon ay nangangailangan ng seryosong atensyon upang lubusang makaalis sa ganitong kondisyon. Maaaring napag-alaman na ng taong ito na kinakailangan na niyang huminto sapagkat napakaraming problema na ang nangyari at naging daan upang makita niya ang kinakailangang pagbabago. Ang mga taong ito ay nangangailangan ng tulong na medical na manggagaling sa mga espesyalista upang malunasan ang mga problema. Dapat silang suportahan at tulungan ng mga mahal nila sa buhay para makapamuhay ng normal at malusog. Dapat silang bigyan ng sapat na tulong pinansiyal, moral at emosyonal upang maiwasan ang mga mas malalaking problemang kakaharapin sa hinaharap.


Ang suporta ng mga miyembro ng pamilya at mga malalapit na kaibigan ay magiging malaking daan upang sila ay makaalis sa sitwasyong ganito at magiging susi sa kanilang epektibong paghinto sa pag-inom. Kalimitang nagiging dahilan ng pag-abuso ng alak ay ang mga problemang nagaganap sa loob ng pamilya. Maaaring ang kinasasangkutang mga suliranin sa mga miyembro ng pamilya ang nagiging rason upang magsimula ang isang tao na malulong sa anumang uri ng bisyo. Kinakailangan lamang na maging bukas ang mga isipan ng bawat sangkot an indibidwal at ituon ang pansin sa bawat detalye ng suliranin. Ang pagkakaroon ngayon ng sapat na kagustuhan upang makaalis sa kondisyon ng isang alcoholic ay simulang sitwasyon upang maging bahagi ang sinumang mahal sa buhay na matulungan ang isang tao.

Maraming paraan kung paano lubusang mapaglalabanan ang alcoholism. Sa internet pa lamang, nag-uumapaw na ang mga hakbangin tungkol dito. Kinakailangan lamang na matutunan ang mga tamang paraan at mga matitibay na impormasyon upang hindi mawalan ng kabuluhan ang mga ginagawa. Oo nga’t hindi magiging madali ang paghinto sa bisyo ngunit kung tama ang landasing tinatahak at may mga taong tutulong upang labanan ang ganitong kondisyon, walang dahilan upang hindi makayanan ang pag-iwas at pagpapanatili na umiwas sa nakalalasing na inumin.

Walang problemang hindi kayang solusyunan kung magtutulung-tulong. Kahit na gaano man kabigat ang sitwasyon at mga suliranin, agad na magagawan ng paraan kung nakahanda ang bawat isa na magampanan ang kani-kanilang mga tungkulin. Paganahin lamang ang konting abilidad at gawing seryoso ang atensyon sa tamang daan upang hindi mawalan ng saysay ang bawat gampanin. Isang lubhang nakakabahalang problema sa ating lipunan ang alcoholism. Ngunit sa kasamaang-palad, an gating pamahalaan ay tila mga bulag sa ganitong mga kalagayan n gating mga kababayan. Kung maiisip lamang ng mga namumuno na ito ang kalimitang nagiging sanhi ng mga aksidente at nagiging dahilan ng maraming krimen sa ating sosyedad, maaaring gumawa ng mga hakbangin ang mga nakaupong pinuno kung alcoholism ang pag-uusapan.

Ngunit dahil “hindi pa nakikita ng mga tao sa ating pamahalaan” ang mga ganitong senaryo, kailangan muna nating gawan ng paraan ang ating mga pansariling problema tungkol sa mga addiction an tulad nito. Kayang-kaya naman nating mapanalunan ang laban sa alcoholism. Kahit sabihin pang ang isang tao ay walang ginawa kundi abusuhin ang alak at uminom nang uminom sa matagal na panahon, maaari pa ring makaalis sa ganitong sitwasyon at makapamuhay ng malusog at normal na gaya ng dating nakagawian. May pag-asa ang bawat nilalang at ang kagustuhang makaalsi sa mga bisyo hindi lamang sa labis na pag-inom ay magagawang madali kung nakahandang sumailalim sa mga patakaran at alituntuning dapat sundin na konektado sa pag-abuso.

May nga indibidwal na hindi nahihirapang huminto sa labis na pag-inom sa pamamagitan lamang ng kani-kanilang mga sarili. Ang mga taong ito ay hindi nangangailangan ng mahaba-habang gamutan at rehabilitasyon manapa’y sapat ang emosyonal at moral na suporta ng mga kaibigan at pamilya upang sila ay tuloy-tuloy na gumaling. Sa maikling panahon ng kanilang pagpipigil at paggawa ng ibang mga bagay bukod sa pag-inom, nagiging madali sa kanila ang pananatili sa ganitong kalagayan. Malalaman na lamang nila isang umaga na hindi na hnila hinahahanap ang alak sa kanilang katawan bagkus ay kusang bumabaling ang kanilang isipan na gumawa ng iba pang makabuluhang gawain.

Sumailalim sa isang pagsusuri na isasagawa ng isang manggagamot. Ang isang tao ay dapat munang sumailalim sa isang check-up upang malaman ang mga epekto ng alak sa kanyang katawan. Magiging madali ang paghatol at pagbibigay ng mga medical advice kung ang isang tao ay na-diagnose na ng isang espesiyalista. Sa ganitong mga pagsusuri, malalaman kung gaano ang pinsalang naidulot ng alcohol at kung anu-anong mga procedures ang dapat na gawin at isakatuparan.