Maraming programa na napatunayang mabisa kung ang paglaban sa alcohol addiction ang pag-uusapan. Patuloy ang pamahalaan sa paghahanap ng mga alternatibo at makabagong gamot kasama ang mga mabisang paraan upang matulungan ang mga taong nalulong sa ganitong mga bisyo. Apektado man ng napakaraming hadlang gaya na lamang ng kakulangan sa pondo ang ating pamahalaan, ginagagawa pa rin nila ang mga kaukulang hakbangin upang masagip ang mga taong talamak sa pag-inom ng alak. Mayroon din mga pribadong ahensiya at organisasyon na handang tumulong at maglahad ng bukas na palad sa mga pamilya ng mga taong naging gumon sa alak at iba pang mga bisyo.

Ang isa pang dapat na taglayin ng isang tao na ibig huminto sa pag-inom ay ang pagkaunawa sa anumang programang inilalatag sa kanyang harapan. Dapat lamang na maintindihan niya ang mga detalye ng gagawing gamutan sa kanya upang hindi siya mabigla sa anumang darating. Sa ganito ring pagkakataon, maihahanda niya ang kanyang sarili, katawan at isipan. Taglayin ang lahat ng mga kinakailangang aral o lessons kung paano ganap na mapagwawagian ang alcoholism upang malaman ang mga dapat gawin sa anumang oras at panahon.
Kung kinakailangan na sumailalim sa mas matinding gamutan, ipaliwanag na dapat pumasok sa isang hospital o rehabilitation center upang mabigyan ng lunas ang anumang paskakit at paghihrap na dinaranas. Maraming programa ang maaaring magawa sa isang hospital na may mga doctor at nars na nakaantabay. Maiiwasan sa ganitong paraaan ang pagkalantad sa mga mas malalang kondisyon at matitiyak ang mabisang paggaling.
Karamihan din sa mga alcoholic ay nangangailangan ng mga gamot na makapagpapababa sa alcohol withdrawal symptoms. Sa rehabilitation center, mababawasan ang anumang paghihirap na nararamdaman sa pamamagitan ng mga gamot na pampakalma at pampatulog.