Ang alak at ang mga kaakibat na sitwasyon, problema at insidente nito ay isang malaking problema kapag pinagtuunan ng pansin. Maraming tao ang hindi lubusang nauunawaan ang ganitong punto kung kaya hindi nila sineseryoso ang ganitong sitwasyon. Sa kalahatan, maraming tao ang hindi maintindihan ang mga bagay na tungkol dito na nagiging dahilan ng kapabayaan at hindi agarang pagbibigay ng lunas at pansin.
Ang labis na pag-inom ng alak ay mapanganib. Kahit sabihin pang may saya na naidudulot ito sa mga taong umiinom ng alcohol, may mga bagay at sitwasyon na nagiging sanhi ng problema kapag umabot sa kasukdulan ang pag-abuso dito. Hindi lamang ito mapanganib sa mga taong umaabuso at umiinom kundi dapat ding malaman ang mga epektong naidudulot nito sa pamilya at mga taong nakapaligid sa isang taong lulong dito. Maaari nitong masira ang buhay ng sinuman.
Oo nga’t naging masaya ka sa pag-inom kagabi. May party kang pinuntahan at nakipagsayahan sa iyong mga kaibigan at kakilala. Maaaring ang kasiyahang iyong nadama kagabi ay hindi mababayaran ng salapi ng kahit na sino. Ibinuhos mo ang iyong ligaya at naging isang hari ang iyong pakiramdam. Ngunit narito na ang mga problema. Umuwi ka ng bahay na hindi mo alam ang mga nangyari. Ni hindi mo nga nalaman kung paano ka nakauwi. O kung sino man ang naghatid sa iyo sa iyong bahay. Masakit na masakit ang iyong ulo. Nakita mo ang isinuka mong pagkain sa lababo at ang mga damit na iyong hinubad ng wala ka sa iyong sarili. Nakalimutan mo na rin kung sino ang mga nakausap at ano ang pinag-usapan ninyo kagabi. At unti-unti mong nakita na ang ligayang nadarama mo kagabi ay unti-unti ring napapalitan ngayon ng kalungkutan. At ang lahat ay epekto ng iyong pag-abuso ng alcohol.
Ano ang iyong napala dito? Nagkasakit ka at hindi nakapasok sa iyong trabaho kinabukasan? Nagkaroon ka ng mga kaaway dahil sa iyong walang control na pagsasalita ng mga kung ano-ano?
Sana ay naunawaan mo ang epekto ng alcohol sa iyong buhay. Napakaraming problema ang kaakibat ng labis na pag-inom at hindi iilang tao lamang ang naging biktima ng ganitong mga senaryo.
Sana, ang halimbawa sa itaas ay nakapagdulot sa iyo ng aral kung paanong ang pag-abuso sa alak ay nakakaapekto sa isang tao. At ma-realize mo na kailangan mo nang maghanap ng mga tulong para makaalis sa ganyang kondisyon at sitwasyon. Kung hindi mo inaabuso ang iyong pag-inom, ang alcohol ay maaaring makapagbigay ng kaunting ligaya. Ito ay maaaring makatulong sa iyo na mag-relaks o magliwaliw paminsan-minsan.. Kinakailangan lamang na ang paminsan-minsang ito ay hindi maging dahilan ng iyong addiction.