Ang paghinto, pag-iwas at pagtigil sa pag-inom ng alak ay simula lamang ng isang kumplikado at walang katapusang proseso na kung saan pinipilit na gumawa ng pagbabago sa ating buhay. Ang pagtigil sa pag-inom ay isang magandang desisyon at isang mabisang paraan upang mabago ang hindi magagandang pangyayari sa ating buhay, pamilya at sarili. Ang prosesong ito, kung hindi man makapagpapabalik sa mga panhong nasayang dahil sa mga maling desisyon at paglalasing, ay maaaring maging simula ng panibagong buhay patungo sa kinabukasan. Ito rin ang makapagpapasaya sa mga sandaling noon ay naubos lamang sa paggawa ng walang kapakinabangang mga bagay.
Sapagkat ang alcoholism ay isang sakit at nangangailangan ng matindi at seryosong gamutan, mangangailangan ito ng seryosong pansin, mahabang pasensya, malakas na pananampalataya at mahaba-habang panahon upang lubusang gumaling at maging normal ang kalusugan at sistema. Dapat nating ihanda ang ating sarili sa mga hirap at sandali na maaari nating magugol sa pagpapatupad ng mga programang dapat isagawa.
Maraming tao nga sa ating panahon ang hindi naniniwala na makakaalis sila sa ganitong kondisyon at maihihinto nila ang habit na binge drinking. Maaaring ang dahilan ng kanilang patuloy na pag-inom ay hindi dahil sa ayaw nila, kung hindi sapagkat hindi sila naniniwala na maaari pa nilang masolusyunan ang kanilang mga problema pagdating sa alcohol. Maaaring alam nila ang mga magagandang maibubunga ng kanilang paghihirap sa pag-alis sa bisyo at ang benepisyo ng walang alcohol sa katawan ngunit sila’y nagdadalawang-isip kung magagawa nila o hindi ang paghinto. Lagi nilang binabalak na tumigil na ngunit laging nauuwi sa hindi pagtupad ng mga plano sa dahilang wala silang pananampalataya na magagawa nila ito.
Mahirap masadlak sa isang sitwasyon na katulad nito. Kung isa ka sa napakaraming tao na nagpaplanong umiwas at tumigl na sa pagkonsumo ng alak, maaaring ang unang hakbang na dapat gawin ay ang paghahanap ng magaganda at kapani-paniwalang pamamaraan upang maihinto ang bisyo. Ang magagandang pamamaraan na ito ay maaaring makuha sa pagbabasa ng ilang mga popular na website o personal na blog ng isang tao na may kaparehas na karanasan. Makakakuha ka ng sapat na kaalaman at mga aral sa kanilang pinagdaanan ng hindi umaalis ng bahay. Maaari ka ring kumonsulta sa isang doctor at kumuha ng impormasyon tungkol sa mga medikal na programa na maaari sa iyong kondisyon. Siguruhin lamang na lehitimo ang mga ito upang hindi mag-urong-sulong sa pagpapatupad.
Ang iyong pagnanais na makakawala sa isang mapanganib at nakalulunos na sitweasyon tulad ng alcoholism ay isang magandang simula. Ang desisyon mo na makaiwas sa ganitong kalagayan ay lalong mas magandang simula ng iyong minimithing pagbabago. Kung misnan, kailangan nating madapa upang makita natin ang buhay sa ibang anggulo. At maaaring hindi mahalaga an gating pagkakadapa, ang mas mahalaga kasi ay an gating pagnanais na makatayo sa kabila ng mga pagsubok at paghihirap na ating dinaranas.