Ang mga Epekto ng Pag-abuso ng Alak

Ang alak at ang mga kaakibat na sitwasyon, problema at insidente nito ay isang malaking problema kapag pinagtuunan ng pansin. Maraming tao ang hindi lubusang nauunawaan ang ganitong punto kung kaya hindi nila sineseryoso ang ganitong sitwasyon. Sa kalahatan, maraming tao ang hindi maintindihan ang mga bagay na tungkol dito na nagiging dahilan ng kapabayaan at hindi agarang pagbibigay ng lunas at pansin.

Ang labis na pag-inom ng alak ay mapanganib. Kahit sabihin pang may saya na naidudulot ito sa mga taong umiinom ng alcohol, may mga bagay at sitwasyon na nagiging sanhi ng problema kapag umabot sa kasukdulan ang pag-abuso dito. Hindi lamang ito mapanganib sa mga taong umaabuso at umiinom kundi dapat ding malaman ang mga epektong naidudulot nito sa pamilya at mga taong nakapaligid sa isang taong lulong dito. Maaari nitong masira ang buhay ng sinuman.

Oo nga’t naging masaya ka sa pag-inom kagabi. May party kang pinuntahan at nakipagsayahan sa iyong mga kaibigan at kakilala. Maaaring ang kasiyahang iyong nadama kagabi ay hindi mababayaran ng salapi ng kahit na sino. Ibinuhos mo ang iyong ligaya at naging isang hari ang iyong pakiramdam. Ngunit narito na ang mga problema. Umuwi ka ng bahay na hindi mo alam ang mga nangyari. Ni hindi mo nga nalaman kung paano ka nakauwi. O kung sino man ang naghatid sa iyo sa iyong bahay. Masakit na masakit ang iyong ulo. Nakita mo ang isinuka mong pagkain sa lababo at ang mga damit na iyong hinubad ng wala ka sa iyong sarili. Nakalimutan mo na rin kung sino ang mga nakausap at ano ang pinag-usapan ninyo kagabi. At unti-unti mong nakita na ang ligayang nadarama mo kagabi ay unti-unti ring napapalitan ngayon ng kalungkutan. At ang lahat ay epekto ng iyong pag-abuso ng alcohol.

Ano ang iyong napala dito? Nagkasakit ka at hindi nakapasok sa iyong trabaho kinabukasan? Nagkaroon ka ng mga kaaway dahil sa iyong walang control na pagsasalita ng mga kung ano-ano?

Sana ay naunawaan mo ang epekto ng alcohol sa iyong buhay. Napakaraming problema ang kaakibat ng labis na pag-inom at hindi iilang tao lamang ang naging biktima ng ganitong mga senaryo.

Sana, ang halimbawa sa itaas ay nakapagdulot sa iyo ng aral kung paanong ang pag-abuso sa alak ay nakakaapekto sa isang tao. At ma-realize mo na kailangan mo nang maghanap ng mga tulong para makaalis sa ganyang kondisyon at sitwasyon. Kung hindi mo inaabuso ang iyong pag-inom, ang alcohol ay maaaring makapagbigay ng kaunting ligaya. Ito ay maaaring makatulong sa iyo na mag-relaks o magliwaliw paminsan-minsan.. Kinakailangan lamang na ang paminsan-minsang ito ay hindi maging dahilan ng iyong addiction.

Ang Alcoholism ay Isang Sakit

Isa sa pinakamahirap na bahagi ng alcoholism ay ang pagtanggap na ito ay isang sakit sapagkat hindi ito katulad ng ibang sakit sa katawan. Hindi ito mukhang sakit at hindi ito kumikilos na kahalintulad ng mga pangkaraniwang sakit sa loob at labas n gating pangangatawan. At kadalasan, ang mga taong apektado nito ay hindi maamin kahit man lang sa kanilang sarili na mayroon silang sakit at kinakailangan nila ng isang gamutan at mga tulong medikal.

Ang alcoholism ay kinilala ng mga propesyonal na manggagamot at ng mga organisasyon na isang nakamamatay na sakit. May mga pag-aaral na idinaos na tumatalakay sa alcoholism bilang isang detalyadong karamdaman ng mga taong nalululong sa nakalalasing na inumin. Ito ay inilalarawan bilang “karamdaman sa isip na nagiging dahilan ng pagkauhaw sa alak.”

Ano nga ba ang ugat ng ganitong sakit? Ano nga ba ang mental obsession? Nakarinig ka na ng kanta sa radio o telebisyon na kahit hindi na pinatutugtog ay hindi pa rin mawala sa iyong isipan? Iyon ang mental obsession. Ito ang dahilan kung bakit ang habit ng pag-abuso sa alcohol ay mahirap tanggalin. Sapagkat parang awitin na patuloy na tumutugtog sa iyong utak kahit tapos na at hindi na pinatutugtog.

Nasa isip at katawan ang addictin na laging tumutugtog sa iyong isipan. At kung iyong kukunsintihin ito, na iinom ka palagi kapag “naririnig” mo ang kantang ng alak, siguradong sa malaon at madali ay malululong ka dito at mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang pigilan ang kanyang tugtugin. Sa katagalan, kahit na may mga suliraning kaakibat ng pag-inom mo ng alcohol, patuloy mo pa ring tatangkilikin ang kanyang espiritu at mahihirapan ka nang pigilan. Mawawalan ka ng control sa kanya at kayang-kaya niyang sirain ang iyong buhay at personalidad.

Sa ganitong sitwasyon, mahirap na ang tumigil at magigisnan mo na lamang na isa ka nang alcoholic na walang disiplina at control sa iyong pag-inom. At sa katagalan ng iyong bisyo, mahihikayat mo ang iba pang mga sakit tulad ng sakit sa atay at alta-presyon kung hindi mo mapipigil ang iyong paglalasing.

Marapat lamang na hintuan na ang ganitong kalakaran. Kung inihahanay ang alcoholism sa mga sakit kung saan may posibilidad na mamatay ang isang tao, hindi ba dapat at kailangan lamang na gumawa tayo ng tamang paraan upang mapigilan ang ganitong sakuna?

Ipinapayo ng mga espesyalista na magpakonsulta sa doctor upang malaman ang tunay na kalagayan ng isang tao na laging umaabuso ng alak. Maaaring may mga internal na bahagi ng katawan na naapektuhan at mabubulaga na lamang tayo kapag nakaramdam na tayo ng pananakit ng tiyan o dibdib. Ilaan ang buhay sa mga kapaki-pakinabang na gawain at umiwas sa mga sitwasyon kung saan may alak na makakaharap.

Para sa karagdagang kaalaman, bumisita sa Stop Drinking Alcohol para sa mga detalye.

Mga Tulong Para sa mga Alcoholic

Naghihinala ka ba na baka ikaw ay isa nang alcoholic? Hinahanap-hanap na ba ng katawan mo ang pag-inom ng alak? Lasing ka ba halos araw-araw? Ang labis na pagkonsumo ng alcohol ba ay nakakaapekto na sa iyong mga trabaho, relasyon at pang-araw-araw na pamumuhay? Apektado na ba ng paglalasing mo ang mga taong nakapaligid sa iyo? Ang pag-amin na ikaw nga ay may problema sa alcohol at ang pagsasabi na kailangan mo ang tulong ay nangangailangan ng lubusang lakas ng loob, Ngunit kung magagawa mo ito, nasa unang hakbang ka na ng pagbabago. Kung nasubukan mo nang huminto at hindi ka nagtagumpay, subukan mo ulit. Huwag kang panghinaan ng loob. Maaaring hindi lamang sapat ang iyong kaalaman tungkol sa mga paraan o hindi lamang tugma sa iyong sitwasyon at condition ang iyong ginamit na programa o kilos upang lubusang mapaglabanan ang iyong addiction. Marami pang pagkakataon ang narito at magagamit upang maihinto ang bisyo. Dapat lamang ang matibay at tamang pamamaraan upang makaalis sa pagiging alcoholic. Huwag na huwag kang susuko, ‘ika nga sa awitin.

Ang unang hakbang na maaaring gawin na makatitiyak kung ang iyong programang inia-apply sa iyong sarili ay ang pag-amin na hindi mo kayang makaalis ditto kung ikaw lamang at wala tulong na manggagaling sa iba. Maraming tulong at assistance na maaaring matanggap kung bukas lamang ang iyong isip na humingi nito sa mga taong higit ang kaalaman tungkol sa alcoholism kaysa sa iyo. Kung ang addiction na kinasasadlakan mo sa kasalukuyan ay malala na at lagi mo nang hinahanap ang alak kahit alam mong nakakasira ito sa buhay mo at sa buhay ng iba pang tao sa paligid mo, kinakailangan mo munang magtanggal ng mga lason na kemikal sa iyong katawan. Detoxification ang tawag dito at ang layunin nito ay tanggalin at linisin ang iyong sistema sa mga masasamang epekto ng alak sa iyong pisikal na pangangatawan. Ang gawaing ito ay isang medikal na pamamaraan upang malinis ng husto ang iyong sistema mula sa pagkakahaling sa alcohol at upang maiwasan o mabawasan ang mga withdrawal symptoms na maaaring maganap.

Hindi natatapos ang iyong paggaling o recovery sa pamamagitan lamang ng paglilinis ng katawan sa mga masasamang chemical. Kung ang iyong kapaligiran ay nagiging impluwensya sa iyo na uminom pagkatapos na ikaw ay sumailalim sa detoxification, maaaring kailangan mo pa ring pumasok sa isang rehabilitation center o hospital upang ituloy ang mga gamutan. Pagkatapos ng pagtatanggal ng masasamang elemento sa katawan, papayuhan ka ng mga espesyalista ng mga makapagpapalakas sa iyong personalidad at emosyon na maaaring nawala sa iyong malimit na pag-abuso ng alcohol. Sa pamamagitan ng ganitong gawain, mapanunumbalik ang iyong control o pagpipigil upang labanan ang mga impluwensiya ng kapaligiran na ikaw ay magsimula uling uminom at bumalik sa bisyong nakagawian.

Pakatapos nito, malalaman na ng mga doctor kung maaari ka nang lumabas upang harapin ang mundo. Maaaring ituloy ang mga programa sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng mga paraan sa labas ng rehabilitation center. Ang mga procedures ay maaaring magawa sa bahay na lamang kasabay ng pagsasailalim sa mga counseling kasama ang iba pang miyembro ng pamilya. Maipaparating sa iyo sa pamamagitan ng mga pagpupulong kung ano ang iyong mga pagbabago at kung ano pa ang maaaring gawin upang mapanatili na hindi umaabuso ng alak.

Maraming kaakibat na dahilan kung bakit nalululong sa alcohol ang isang tao. Ang prinsipyo na ang alak o anumang nakakalasing na inumin ay nakapagpapalimot o nakapagtatanggal ng mga suliranin sa buhay ay isang mabigat na dahilan kung bakit maraming tao ang nalululong dito. Ang kaisipang ito ay hindi totoo at lalo lamang madaragdagan ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan. Hanggang hindi mo naitutuwid ang ganitong prinsipyo sa iyong kabuuan, hindi ka magkakaroon ng control sa iyong buhay at paulit-ulit mong aabusuhin ang alak na magiging dahilan ng iyong maraming problema sa hinahaarap.

Ang mga pressure sa trabaho o sa mga gawain ay maaari ring maging dahilan upang balikan ang nakasanayan at mga bisyo. Sa unang panahon ng paghinto sa pag-inom, huwag hayaang makapasok ang mga stress at pressures sa kahit na anong uri ng pagkakataon upang hindi maging daan sa anumang panunumbalik ng kagustuhang malasing o uminom ang alak. Iwasan ang mga kaibigan at kakilala na umiinom pa upang hindi rin maimpluwensiyahan ng mga ganitong gawain. Laging isipin ang mga magagandang plano at ang pagpapanatili na hindi umiinom.

Sa iyong paggaling, maaari naming maging hadlang ang mga taong hindi nakauunawa sa iyong kalagayan. Ang ibang mga miyembro ng pamilya halimbawa, ay kadalasang tumitingin sa iyong nakaraan at hindi maunawaan ang iyong pagbabago sapagkat hindi nila lubusang naiintindihan ang mga bagay na tungkol sa alcoholism. May mga tulong din na maibibigay ang isang rehabilitation center kung ang mga pagsasa-edukasyon ng mga miyembro ng pamilya ang pag-uusapan. Maikikintal sa kanilang mga puso at damdamin ang iyong totoong kalagayan at mga tunay na nararamdaman sa pamamagitan ng mga open discussion na may ekspertong nakapagitna upang isaayos ang mga pag-uusap.

Sa Isang Bahagi ng Gamutan

Huwag mong isipin na ang iyong paggaling mula sa isang nakaririmarim na sakit na tulad ng alcoholism ay bunga ng gawain ng ibang tao. Ang epektibong pag-alis sa alcohol addiction at ang matibay na kalakasan upang mapanatili ito hanggang wakas ay manggagaling pa rin sa iyong sarili. Ang desisyon mo na tumigil sa pag-abuso sa alak at ang iyong pagpipilit na malagpasan ang iyong mga problema na wala ang alak ay siyang makapagbibigay sa iyo ng matibay na dahilan upang makaalis sa mga bisyo.

Hindi lahat ng nalulong sa alcohol ay nangangailangan ng gamutan at medikal na tulong. Ang ibang mga tao na nanganganing malulong sa alak ay may control pa rin sa kanilang mga pagkatao at hindi kailangan na magkaroon ng mahabang programa para sa kanilang addiction.

Ngunit isang magandang paraan upang lalong mapaigting ang pagpapasya na tumigil na sa pag-inom ng alcohol ay ang palagiang pagbisita sa isang doctor upang malaman ang mga bagay na tungkol sa iyong kondisyon. Magkakaroon ng maraming ideya para lubusang maiwasan at malagpasan ang mga withdrawal symptoms na maaaring maranasan sa madalian at biglaang paghinto. Makatutulong din ang mga espesyalista na magkaroon ng mga emergency plans at mga medical procedures upang lalong gumaling sa alcoholism.

Mahahalagang Bagay na Dapat Gawin

Mga Hakbang na Dapat Gawin

Mga Paraan Kung Paano Maihihinto ang Alcoholism

Ang mga taong nakikipagbuno sa alcoholism at labis na nakakaramdam ng mga simtomas ng sakit na ito sa mahabang panahon ay nangangailangan ng seryosong atensyon upang lubusang makaalis sa ganitong kondisyon. Maaaring napag-alaman na ng taong ito na kinakailangan na niyang huminto sapagkat napakaraming problema na ang nangyari at naging daan upang makita niya ang kinakailangang pagbabago. Ang mga taong ito ay nangangailangan ng tulong na medical na manggagaling sa mga espesyalista upang malunasan ang mga problema. Dapat silang suportahan at tulungan ng mga mahal nila sa buhay para makapamuhay ng normal at malusog. Dapat silang bigyan ng sapat na tulong pinansiyal, moral at emosyonal upang maiwasan ang mga mas malalaking problemang kakaharapin sa hinaharap.


Ang suporta ng mga miyembro ng pamilya at mga malalapit na kaibigan ay magiging malaking daan upang sila ay makaalis sa sitwasyong ganito at magiging susi sa kanilang epektibong paghinto sa pag-inom. Kalimitang nagiging dahilan ng pag-abuso ng alak ay ang mga problemang nagaganap sa loob ng pamilya. Maaaring ang kinasasangkutang mga suliranin sa mga miyembro ng pamilya ang nagiging rason upang magsimula ang isang tao na malulong sa anumang uri ng bisyo. Kinakailangan lamang na maging bukas ang mga isipan ng bawat sangkot an indibidwal at ituon ang pansin sa bawat detalye ng suliranin. Ang pagkakaroon ngayon ng sapat na kagustuhan upang makaalis sa kondisyon ng isang alcoholic ay simulang sitwasyon upang maging bahagi ang sinumang mahal sa buhay na matulungan ang isang tao.

Maraming paraan kung paano lubusang mapaglalabanan ang alcoholism. Sa internet pa lamang, nag-uumapaw na ang mga hakbangin tungkol dito. Kinakailangan lamang na matutunan ang mga tamang paraan at mga matitibay na impormasyon upang hindi mawalan ng kabuluhan ang mga ginagawa. Oo nga’t hindi magiging madali ang paghinto sa bisyo ngunit kung tama ang landasing tinatahak at may mga taong tutulong upang labanan ang ganitong kondisyon, walang dahilan upang hindi makayanan ang pag-iwas at pagpapanatili na umiwas sa nakalalasing na inumin.

Walang problemang hindi kayang solusyunan kung magtutulung-tulong. Kahit na gaano man kabigat ang sitwasyon at mga suliranin, agad na magagawan ng paraan kung nakahanda ang bawat isa na magampanan ang kani-kanilang mga tungkulin. Paganahin lamang ang konting abilidad at gawing seryoso ang atensyon sa tamang daan upang hindi mawalan ng saysay ang bawat gampanin. Isang lubhang nakakabahalang problema sa ating lipunan ang alcoholism. Ngunit sa kasamaang-palad, an gating pamahalaan ay tila mga bulag sa ganitong mga kalagayan n gating mga kababayan. Kung maiisip lamang ng mga namumuno na ito ang kalimitang nagiging sanhi ng mga aksidente at nagiging dahilan ng maraming krimen sa ating sosyedad, maaaring gumawa ng mga hakbangin ang mga nakaupong pinuno kung alcoholism ang pag-uusapan.

Ngunit dahil “hindi pa nakikita ng mga tao sa ating pamahalaan” ang mga ganitong senaryo, kailangan muna nating gawan ng paraan ang ating mga pansariling problema tungkol sa mga addiction an tulad nito. Kayang-kaya naman nating mapanalunan ang laban sa alcoholism. Kahit sabihin pang ang isang tao ay walang ginawa kundi abusuhin ang alak at uminom nang uminom sa matagal na panahon, maaari pa ring makaalis sa ganitong sitwasyon at makapamuhay ng malusog at normal na gaya ng dating nakagawian. May pag-asa ang bawat nilalang at ang kagustuhang makaalsi sa mga bisyo hindi lamang sa labis na pag-inom ay magagawang madali kung nakahandang sumailalim sa mga patakaran at alituntuning dapat sundin na konektado sa pag-abuso.

May nga indibidwal na hindi nahihirapang huminto sa labis na pag-inom sa pamamagitan lamang ng kani-kanilang mga sarili. Ang mga taong ito ay hindi nangangailangan ng mahaba-habang gamutan at rehabilitasyon manapa’y sapat ang emosyonal at moral na suporta ng mga kaibigan at pamilya upang sila ay tuloy-tuloy na gumaling. Sa maikling panahon ng kanilang pagpipigil at paggawa ng ibang mga bagay bukod sa pag-inom, nagiging madali sa kanila ang pananatili sa ganitong kalagayan. Malalaman na lamang nila isang umaga na hindi na hnila hinahahanap ang alak sa kanilang katawan bagkus ay kusang bumabaling ang kanilang isipan na gumawa ng iba pang makabuluhang gawain.

Sumailalim sa isang pagsusuri na isasagawa ng isang manggagamot. Ang isang tao ay dapat munang sumailalim sa isang check-up upang malaman ang mga epekto ng alak sa kanyang katawan. Magiging madali ang paghatol at pagbibigay ng mga medical advice kung ang isang tao ay na-diagnose na ng isang espesiyalista. Sa ganitong mga pagsusuri, malalaman kung gaano ang pinsalang naidulot ng alcohol at kung anu-anong mga procedures ang dapat na gawin at isakatuparan.